Mayor ng Sibonga, Cebu hinatulang mabilanggo ng Sandiganbayan
Hinatulan ng anim hanggang walong taong pagkakabilanggo ng Sandiganbayan ang alkalde ng Cebu matapos na umano’y tumanggap ng honorarium kahit hindi siya karapat-dapat tumanggap.
Sa desisyon ng Sandiganbayan, napatunayang guilty si Mayor Lionel Bacaltos ng Bayan ng Sibonga ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Si Bacaltos na nanalo nitong nakaraang eleksyon ay pinagbawalan ding humawak sa anumang posisyon sa gobyerno at inatasang magbayad sa musipalidad ng halagang P17,512.50.
Maari namang umapela ang alkalde sa naging desisyon ng anti-graft court.
Nakasaad pa sa desisyon ng Sandiganbayan fourth division, mayroong sapat na ebidensya para ma-convict si Bacaltos dahil nagastos niya ang pondo ng munisipalidad para sa kabayaran sa kaniyang honoraria mula sa Philhealth kahit wala siyang karapatan.
Nag-ugat ang kaso matapos na magreklamo si Mary Joejie Chan na noong ay incumbent municipal councilor ng Sibonga sa Office of the Ombudsman.
Ang nasabing honorarium ay dapat exclusive lamang sa municipal health personnel at si Bacaltos ay hindi naman health worker.
Aminado naman ang alkalde na ang P17,512 ay mula sa limang porsiyento ng 20 porsiyento ng pondo ng Philhelath na honoraria dapat sa municipal health personnel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.