Target na 75 percent na voter turnout, posibleng maabot – Comelec

Positibo ang Commission on Elections (Comelec) na maaabot ang target na 75 porsyentong voter turnout sa 2019 midterm elections.

Sa isang press conference, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na bandang May 19, umabot na ang voter turnout sa 74.89 percent.

Katumbas ito ng 46,343,423 na boto base sa nai-transmit na certificates of canvass (COC).

Sinabi pa ni Jimenez na posibleng maabot ang 78 porsyento.

Samantala, hinihintay na lamang ng National Board of Canvassers (NBOC) ang mga COC sa Isabela, Japan, Saudi arabia, Washington DC sa Amerika at Abuja sa Nigeria.

Read more...