Panukalang i-review ang MOU ng Kuwait at Pilipinas, kinatigan ng Palasyo

By Chona Yu May 20, 2019 - 06:38 PM

Suportado ng Palasyo ng Malakanyang ang panawagan ng Migrante Philippines at Migrants Rights Advocate na i-review ang Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan ng Pilipinas at Kuwait para protektahan ang mga overseas Filipino workers (OFW).

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sa OFW na si Constancia Lago Dayag na pinatay umano ng kaniyang employer.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, base sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, may nakitaang paglabag ang Kuwaiti government sa MOU.

May ginagawa na aniyang imbestigasyon ang DOLE ukol sa kaso ni Dayag.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na hinihintay pa ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy” Locsin Jr. ang report ng DOLE.

Matatandaang noong nakaraang taon, nagpatupad ang pangulo ng deployment ban ng mga OFW sa Kuwait matapos patayin at ilagay sa freezer ang bangkay ng OFW na si Joanna Demafelis.

TAGS: Constancia Lago Dayag, DOLE, kuwait, MOU, ofw, Palasyo ng Malakanyang, Pilipinas, Constancia Lago Dayag, DOLE, kuwait, MOU, ofw, Palasyo ng Malakanyang, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.