Panukalang pagbuhay sa mandatory ROTC, pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon May 20, 2019 - 06:30 PM

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang pagbuhay sa mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga nasa Grades 11 at 12.

Sa botong 167 na yes at 4 na no, pumasa ang House Bill no. 8961 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act.

Layunin ng panukala na ipinamumulat sa kabataan ang pagiging makabayan, pagrespeto sa karapatang pantao at pagsunod sa Konstitusyon.

Ituturo rin sa kanila ang pagseserbisyo publiko at ang mga trabaho ng militar, pulisya, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Coast Guard, Department of Health (DOH) at DSWD.

Gayunman, sinasabing exempted sa pagsasanay sa ROTC ang mga estudyante na hindi maituturing na physically o psychologically fit, ang mga dumaan o patuloy pang sumasalang sa military training at ang mga pinili ng eskuwelahan na magsilbing varsity player na pambato sa sports competition.

TAGS: Kamara, Mandatory ROTC, rotc, Kamara, Mandatory ROTC, rotc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.