120,000 pulis, ipakakalat ng PNP para sa Brigada Eskwela 2019
Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 120,000 pulis para sa Brigada Eskwela ngayong taon.
Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, magtatalaga ng police assistance desks sa iba’t ibang eskwelahan sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong araw ng Lunes.
Ito ay para aniya matiyak ang seguridad ng mga guro, estudyante, magulang at ibang grupo na makikiisa sa paglilinis ng mga paaralan.
Gayunman, hindi aniya kasama ang mga pulis sa paglilinis ngunit kung hihilingan ng school administrators, maaari naman.
Matapos ang 2019 midterm elections, sinabi ng PNP chief na magiging tutok na ang kanilang hanay sa preparasyon sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Naglabas na aniya siya ng operational guidelines para sa Ligtas Balik-Eskwela 2019. Layon nitong masiguro ang kahandaang ng PNP para sa seguridad ng publiko katuwang ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.