Samar provinces nasa Signal No. 1 dahil sa bagyong Nona
Nakataas na ngayon ang Public Storm Warning Signal Number 1 sa Samar Provinces dahil sa bagyong Nona.
Ayon kay Cely Ignacio, weather forecaster ng PAGASA, lalo pang lumakas ang bagyo na nasa 605 kilometers east ng Borongan, Samar.
Taglay ng bagyong Nona ang hangin na 95 kilometers per hour at pagbugso ng 120 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis ng 19 kilometers per hour West Northwest direction.
Sinabi ni Ignacio na posibleng magtaas na rin ngayong umaga, Disyembre 13 ang PAGASA ng public storm warning signal sa Bicol Region.
Bukas ng hapon, Disyembre 14, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Bicol at Samar areas.
Taglay ng bagyo ang rainfall na may diameter na 100 kilometers.
Samantala, sinadya ng PAGASA na palitan ang pangalan ng bagyong Nona.
Mula sa orihinal na bagyong Nonoy, ginawa na lamang itong bagyong Nona.
Nabatid na mismong si Department of Science and Technology Secretary Mario Montejo ang nag-utos na palitan ang pangalan para maiwasan ang panloloko ng publiko sa Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ayaw daw ni Montejo na maiugnay ang pangalan ng bagyo sa palayaw ng pangulo lalo na kung malaki ang pinsala na idudulot nito.
Ang bagyong Nona ang ika-labingapat na bagyo na pumasok sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.