Pangulong Duterte, hindi magsasampa ng kaso sa mga nagpakalat na naospital siya

By Chona Yu May 20, 2019 - 03:57 PM

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bweltahan at kasuhan ang mga kritikong nagpapakalat na isinugod siya sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sanay na si Pangulong Duterte sa paulit-ulit na balitang naoospital kapag hindi nagpapakita sa publiko ng ilang araw.

Dagdag ni Panelo, base sa pakikipag-usap niya noong araw ng Linggo kay Pangulong Duterte, sinabi nito na hindi niya pag-aasakayahan ng panahon ang mga kritiko.

Pagtitiyak ni Panelo, maayos ang kalagayan ng pangulo at nagtatrabaho ito kahit pa hindi nakikita ng publiko.

Regular din aniya ang check-up nito sa kaniyang mga doctor kaya wala aniyang dapat ipag-alala ang publiko.

Kung hindi man aniya nakikita sa publiko si Pangulong Duterte, puro pribadong pakikipagpulong ang ginagawa nito sa Malakanyang o sa kaniyang bahay sa Davao.

TAGS: duterte, kalagayan ng pangulo, duterte, kalagayan ng pangulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.