Comelec, naghahanda sa posibleng pagdalo ni Pangulong Duterte sa proklamasyon sa national posts

By Angellic Jordan May 20, 2019 - 02:26 PM

Naghahanda ang Commission on Elections (Comelec) sa posibleng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proklamasyon ng mga mananalong senador at partylist representative.

Sa press conference sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, hindi pa man ito tiyak, naghahanda na rin ang poll body sa posibleng pagdating ng Punong Ehekutibo.

Binanggit pa ni Jimenez ang pagsama ng pangulo sa paghahain ng certificate of candidacy ni dating long time aide na si Christopher “Bong” Go noong October 2018.

Hindi lamang aniya seguridad ang inihahanda ng poll body kundi maging ang space at entourage sa lugar.

Sinabi naman ni Jimenez na maaaring isagawa ang proklamasyon sa Martes.

TAGS: comelec, duterte, comelec, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.