Proklamasyon sa mga senador at partylist representative, posibleng isagawa sa Martes – Comelec

Posibleng isagawa ang proklamasyon ng mga mananalong senador at partylist representative sa araw ng Martes, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa press conference sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez maaaring gawin ang proklamasyon sa Martes.

Aniya, hinihintay na lang ng poll body bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang certificate of canvass (COC) mula sa probinsya ng Isabela.

Inaasahan aniyang dumating ang COC, Lunes ng gabi.

Samantala, magsasagawa pa ang NBOC ng canvasing sa mga COC sa Isabela, Japan, Saudi arabia, Washington DC sa Amerika at Abuja sa Nigeria.

Ipoproklama aniya ang mga mananalong partylist representative, Martes ng umaga habang ang mga senatoriables na makakapasok sa ‘magic 12’ ay ipoproklama, Martes ng gabi.

Read more...