Sa kanyang Twitter account, sinabi ng aktor na nagpapasalamat siya sa mga nagpaabot ng suporta kasabay ng pagtiyak na wala namang dapat ikabahala sa kanyang kalagayan.
“Thanks for your concerns, but there is nothing to worry about. I thought I was just jostled by the crowd, which happens a lot. I only realized I was kicked when I saw the video like all of you. I’m just glad the idiot didn’t interrupt my Snapchat.” aniya sa kanyang Twitter post.
Sa isang sporting event sa Africa, tinadyakan si Schwarzenegger ng isang lalaki habang nakikipag-usap siya sa mga fan.
Agad namang naaresto ang lalaki ng event security.
Hinangaan naman si Schwarzenegger ng kanyang mga fans na marami ang nagpahayag ng paghanga sa 71 anyos na aktor.
Sa kabila anila ng idad, pinatunayan pa rin daw nito ang pagiging “Terminator” dahil hindi naman siya napatumba sa tadyak ng lalaki.