PNP bumuo ng special investigation task group sa pagpatay sa dalawang abogado sa Rizal at Pangasinan

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2019 - 11:52 AM

Bumuo ng special investigation task group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) para siyasatin ang kaso ng pagpatay sa isang abogado sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay PNP chief Police General Oscar binuo ng PNP Region IV-A ang SITG.

Sa ngayon wala pang malinaw na motibo sa sa nangyaring pamamaslang kay Atty. Edilberto Golla Jr.

Pinagbabaril si Gola ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Biyernes.

Bago ang insidente ay nakatatanggap na umano ng banta sa buhay ang abogado.

Samantalala ni Albayalde, may binuo na ring SITG para siyasatin ang kaso ng pagpatay kay Atty. Val Crisostomo sa Pangasinan.

Si Crisostomo ay binaril naman sa harap ng hall of justice sa Dagupan City.

TAGS: ambush, Lawyer, pangasinan, PNP, Rizal, SITG, ambush, Lawyer, pangasinan, PNP, Rizal, SITG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.