Limang Peryahan ng Bayan sa Negros Occidental, ipinasara ng NBI

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2019 - 11:33 AM

Ipinasara ng National Bureau of Investigation ang limang sangay ng Peryahan ng Bayan sa Negros Occidental.

Ayon kay Atty. Renoir Baldovino, hepe ng NBI sa Bacolod City, napaso na ang permiso ng peryahan games noon pang 2016 at hindi na nag-renew pa kaya maituturing na iligal ang operasyon nito.

Kabilang sa mga ipinasara ay ang nasa bayan ng Hinigaran, Murcia, Victorias City, E.B. Magalona at Himamaylan City.

Kasabay ng pagpapasara sa mga peryahan branch, inaresto din ang 36 na staff ng kompanya.

Taong 2014 nang bigyan ng PCSO ng deed of authority ang kompanyang may-ari ng Peryahan ng Bayan pero natapos na ito noong 2016 at hindi na nagrenew pa ang kompanya.

Ilan pa sa paglabag na nakita ng NBI ay ang kawalan ng point of sale device, kawalan ng kinatawan ng PCSO sa tuwing gagawin ang pagbola at ang hindi pagreremit ng kita sa PCSO.

TAGS: NBI, negros, occidental, pcso, Peryahan ng Bayan, NBI, negros, occidental, pcso, Peryahan ng Bayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.