Warriors target ang sweep sa Western Conference finals ng NBA

IG Photo
Target ng Golden State Warriors ang sweep para sa Western Conference finals ng NBA kontra Portland Trail Blazers.

Bukas ng umaga (oras sa Pilipinas) ang game 4 sa pagitan ng Warriors at Blazers kung saan lamang ang Warriors – 3-0 sa best of seven series.

Posible namang hindi makalaro si Andre Iguodala para sa Warriors dahil sa iniinda nitong pananakit sa paa.

Bagaman positibo ang resulta ng MRI exam ni Igoudala, nananatiling “questionable” ang presensya niya sa Game 4.

Hindi rin nakapaglalaro para sa Warriors sina Kevin Durant at DeMarcus Cousins pero sa kabila nito, naitala ng koponan ang tatlong sunod na panalo.

Read more...