Mga Filipino sa Canada hindi dapat mabahala ayon sa Malakanyang
Walang dapat na ikabahala ang mga Filipino na nasa Canada.
Ito ay kahit na ipina-recall na ng Pilipinas si Philippine Ambassador to Canada Petronila Garcia.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naroon pa naman ngayon sa Canada ang labor attaché.
Maari aniyang dumulog ang mga Filipino sa labor attaché kapag nakaranas ng problema sa Canada.
Matatandaang pinauwi sa bansa ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin si Garcia matapos mabigo ang Canada na makamit ang May 15 deadline para kunin ang mahigit isandaang container na basura na itinapon sa Pilipinas noong 2003.
Ayon kay Panelo, ang pagpapauwi sa bansa kay Garcia ay pagbibigay ng mensahe sa Canada na seryoso ang Pilipinas na ipakuha ang itinapong basura.
Sa ngayon may mga labor attaché ang Pilipinas na namamahala sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Vancouver at Toronto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.