Huawei tinanggalan na ng access sa Android at Google

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2019 - 09:06 AM

Dahil sa patuloy na kinasasangkutang kontrobersiya ng pang-eespiya, inalisan na ng access sa Google at Android ang Huawei.

Ito ay makaraan ang naging desisyon ng administrasyon ni US Pres. Donald Trump noong nakaraang linggo na i-ban ang Huawei sa Amerika.

Sa pahayag ng Google, hindi na magkakaroon ng access ang Huawei smartphones sa propriety apps at mga serbisyong pag-aari ng Google.

Ang tanging ma-aaccess lamang ng Huawei ay ang public version ng Android.

Ipinaliwanag ng Google na sumusunod lamang sila sa kautusan.

Ang utos na tinutukoy ng Google ay ang pasya ng US Commerce Department na naglalagay sa Huawei sa “Entity List” o listahan ng mga kumpanya na hindi na hindi na papayagang bumili ng teknolohiya mula sa mga US company nang walang approval ng gobyerno.

Dahil sa pasya ng Google ang Huawei ay hindi na pwedeng gumamit ng Android Open Source Project (AOSP).

TAGS: android, BUsiness, google, Huawei, Radyo Inquirer, technology, android, BUsiness, google, Huawei, Radyo Inquirer, technology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.