Halos 100 kilo ng karne at meat products nakumpiska ng Customs sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2019 - 08:06 AM

Umabot sa halos 100 kilo ng ng karne at meat products ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakumpiska ang mga karne mula sa isang pasahero na dumating sa NAIA galing sa Taipei.

Ayon sa Customs, nabigo ang pasahero na magpakita ng import permit para sa nasabing mga produkto.

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Customs NAIA at Quarantine Services, at Bureau of Animal Industry para masigurong walang makapapasok sa bansa ng meat at meat products na walang permit.

Ito ay bilang pag-iingat sa African Swine Fever na ngayon ay kalat sa ilang mga bansa.

Mula noong January 2019, umabot na sa 4,412 kilograms ng meat products ang nakumpiska at nai-turnover sa Bureau of Animal Industry (BAI).

TAGS: Bureau of Customs, bureau of quarantine, customs, NAIA, Radyo Inquirer, Bureau of Customs, bureau of quarantine, customs, NAIA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.