Yellow alert status iiral sa Luzon grid ngayong araw – NGCP
By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2019 - 07:59 AM
Nananatiling manipis ang reserba ng kuryente sa Luzon grid.
Muling itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon grid mula 1:00PM hanggang 4:00PM ngayong araw, May 20.
Sinabi ng NGCP na ang available capacity para sa Luzon grid ay 11,915 megawatts at ang peak demand ay 10,937 megawatts.
Hindi naman magkakaroon ng rotational brownout bunsod ng pag-iral ng yellow alert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.