Rocket tumama sa Iraqi capital na Baghdad malapit sa mga gusali ng gobyerno at foreign embassies

Tumama ang isang rocket sa capital ng Iraq na Baghdad.

Bumagsak ito malapit sa lugar kung saan naroroon ang mga gusali ng gobyerno at mga embahada.

Pero ayon sa Iraqi military, mabuting wala namang nasaktan sa insidente na nangyari Linggo ng gabi.

Ang tumama ay isang klase ng Katyusha rocket na isang multiple rocket launcher.

Agad namang kinordonan ng mga pulis ang lugar kung saan bumagsak ang rocket at nagsagawa ng manhunt sa posibleng mga suspek.

Kabilang sa nasa lugar na malapit sa pinagbagsakan ng rocket ay ang US Embassy.

Read more...