Panahon ng tag-ulan sa katapusan pa ng Mayo o sa unang linggo ng Hunyo maidedeklara
Maaring sa katapusan pa ng Mayo o sa unang linggo ng Hunyo maideklara ang pormal na pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Pagasa weather specialist Elzra Bulquerin, hindi pa sapat ang naitatalang dami ng pag-ulan para maideklara ang rainy season.
Sa ngayon southwesterly surface windflow ang umiiral sa bansa at apektado nito ang western sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Magiging mainit pa rin ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.