DA, mahigpit na binabantayan ang pagpasok ng mga imported na karneng baboy
Mahigpit ang pagbabantay ngayon ng Department of Agriculture (DA) sa pagpasok ng imported meat products sa bansa partikular ang karneng baboy.
Ito ay bunsod ng nararanasang African swine fever outbreak sa Cambodia, China at Hong Kong.
Sakaling makapasok sa bansa ang African swine fever ay inaaasahang maapektuhan nito ang P200 bilyon local hog industry.
Magpapakalat na ang DA ng meat sniffing dogs sa mga paliparan at pantalan sa bansa.
Sinumang mahuhuling nagpasok ng meat products mula sa mga bansang may kaso ng African swine fever at pagmumultahin ng P200,000.
Nagpayo naman si Agriculture Sec. Manny Piñol sa mga consumer na tangkilikin ang local meat products sa gitna ng nararanasang outbreak ng African swine fever sa ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.