2 carnapper arestado sa Taguig

By Rhommel Balasbas May 20, 2019 - 04:54 AM SHARE(S):

Natimbog sa Taguig City ang dalawang lalaki na nagnakaw umano ng motorsiklo sa Rizal.

Reklamo ng may-ari ng motorsiklo na si Mark Montol, nakaparada lamang ang kanyang sasakyan sa harap ng kanyang bahay sa Rodriguez, Rizal nang nakawin ito.

Bigla anya nyang namataan ang larawan ng kanyang motor sa Facebook kung saan binebenta ito ng P38,000.

Kinontak ng biktima ang nagbebenta ng motorsiklo upang masigurong kanya ito.

Nagkita sila sa Taguig at dito niya nakumpirma na pagmamay-ari niya ang binebenta at agad niyang ipinaalam ito sa mga pulis.

Naaresto ang mga suspek na edad 23-anyos at 24-anyos ang edad na ngayon ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law at Anti-Fencing Law.

TAGS: anti carnapping law, Anti-Fencing Law, carnapping, Rizal, Rodriguez, anti carnapping law, Anti-Fencing Law, carnapping, Rizal, Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.