M3.2 na lindol naitala sa Davao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao del Norte alas-2:01 ng madaling araw ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 18 kilometro Timog-Kanluran ng Panabo City.

May lalim ang pagyanig na 28 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...