‘John Wick 3’ winakasan na ang 3 linggong pangunguna ng ‘Avengers: Endgame’ sa box office
Natuldukan na ang tatlong linggong pamamayagpag ng “Avengers: Endgame” sa box office.
Ito ay matapos kumita ng $57 million ang “John Wick: Chapter 3 – Parabellum” sa 3,850 North American theaters.
Sapat na ito para maungusan ang $29.4 million ng “Avengers: Endgame” sa ikaapat nitong linggo sa takilya.
Ang Parabellum na ikatlong installment na ng action series ay kumita ng mas malaki sa opening nito kaysa sa ‘John Wick’ noong 2014 ($14.4 million) at “John Wick: Chapter 2” noong 2017 ($30.4 million).
Sa Parabellum, nagbabalik si Keanu Reerves bilang titular ex-hitman at tumatakas mula sa mga assassin.
Samantala, bagaman nasa ikalawang pwesto na lang sa domestic box office, kumita na ngayon ang Endgame ng kabuuang $771 million at naungusan na ang “Avatar” na may $761-million record para maging second-highest grossing movie sa North America.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.