DA, DOH, DOST at DTI may pulong ngayong araw kaugnay ng ‘fake vinegar’ issue
Pupulungin ng Department of Agriculture (DA) ang ilang ahensya ng gobyerno ngayong araw upang talalakayin ang isyu ng ‘fake vinegar’ na ibinebenta sa merkado.
Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ng Department of Science and Techonlogy (DOST) na karamihan sa mga commercial vinegar brands ay gumagamit ng synthetic Acetic Acid sa paggawa ng suka.
Karamihan umano sa mga sukang nasuri ng PNRI ay peke dahil hindi gawa ang mga ito sa natural sources.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, pangungunahan ng DA ang pulong na dadaluhan ng DOST, Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI).
Nakatakdang alamin ng DA sa PNRI kung anong mga brands ang gumagamit ng acetic acid at pinalalabas na ang kanilang mga produkto ay gawa sa natural ingredients.
Ang brands na ito ay ipapaalam naman sa DOH na may superbisyon sa Food and Drugs Administration (FDA).
Sakaling ma-validate ng FDA ay dapat magpalabas ng market advisory at ipatatanggal sa merkado ang pekeng mga suka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.