NCRPO, PDEA tutulong sa Brigada Eskwela

By Rhommel Balasbas May 20, 2019 - 03:42 AM

Courtesy of DepEd

Makikiisa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2019 na simula na ngayong araw.

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, inatasan niya ang limang police districts sa Metro Manila na makiisa sa naturang aktibidad.

Layon ng programa na mapagkaisa ang lahat ng guro, magulang, non-government organizations at education stakeholders sa paghahanda sa mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase.

Kasabay nito, sinabi ni Eleazar na isasailalim sa heightened alert ang buong pwersa ng NCRPO sa pagbubukas ng klase sa June 3.

Magpapakalat ng mga pulis at magtatayo ng police assistance desks malapit sa mga paaralan para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Samantala, ito ang unang beses na makikilahok ang PDEA sa Brigada Eskwela ayon kay PDEA chief Aaron Aquino.

Inatasan anya niya ang lahat ng PDEA regional offices na makilahok sa schools maintenance activities.

TAGS: Brigada Eskwela 2019, National Capital Region Police Office (NCRPO), National Schools Maintenance Week, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Brigada Eskwela 2019, National Capital Region Police Office (NCRPO), National Schools Maintenance Week, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.