Brigada Eskwela 2019 simula na ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 20, 2019 - 03:50 AM

Aarangkada na ang “Brigada Eskwela 2019” o ang taunang schools maintenance week simula ngayong araw, Lunes at tatagal hanggang Sabado, May 25.

Layon ng taunang aktibidad na pagkaisahin ang lahat ng education stakeholders sa paghahanda sa mga school facilities para sa muling pagbubukas ng klase.

Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong araw, nagpaalala ang DepEd sa mga principal at school heads na sumunod sa inilatag na guidelines para sa pagpapatupad ng programa.

Ayon kay DepEd Usec. Tonisito Umali, dapat tiyakin ng school heads na mananatiling voluntary ang Brigada Eskwela dahil dapat nitong mapakita ang ‘spirit of volunteerism’.

Hindi rin anya ito sapilitan para lamang maipasok ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga paaralan.

Sinabi rin ni Umali na bawal ang paniningil ng kahit anong halaga para sa naturang aktibidad.

Nauna nang inilunsad ang Brigada Eskwela noong May 16 sa Alfonso Central School sa Alfonso, Cavite.

Samantala, ang taong-panuruan 2019-2020 ay magbubukas sa June 3, araw ng Lunes.

TAGS: Brigada Eskwela 2019, Department of Education (DepEd), National Schools Maintenance Week, Brigada Eskwela 2019, Department of Education (DepEd), National Schools Maintenance Week

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.