Jackpot sa 6/55 Lotto inaasahang papalo sa P190M mamayang gabi

Posibleng umabot sa P190 milyon ang jackpot ng 6/55 Grand Lotto mamayang gabi ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay matapos hindi makuha ang P184.904 milyong jackpot araw ng Linggo.

Ang winning combination kahapon ay 12-24-13-02-49-06.

May napanalunan namang consolation prize na tig-P84,640 ang 15 bettors kahapon.

Read more...