M3.2 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-9:34 Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 117 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 34 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...