Tumama ang magnitude 4 na lindol sa Occidental Mindoro, Linggo ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometers Southwest ng Rizal bandang 3:55 ng hapon.
May lalim ang lindol na 10 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang Intensity IV sa San Jose, Occidental Mindoro.
Sinabi ng Phivolcs na ito ay aftershock ng yumanig na 5.5 magnitude na lindol sa Occidental Mindoro noong May 4, 2019.
Gayunman, wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
READ NEXT
Proklamasyon ng mga nanalong senador at partylist representative, isasagawa ngayong linggo – Comelec
MOST READ
LATEST STORIES