Pinakabatang alkalde sa bansa, ipinroklama sa Pangasinan

By Noel Talacay May 19, 2019 - 09:10 PM

Iprinoklama si Arth Bryan Celeste bilang alkalde ng Alaminos, Pangasinan.

Si Celeste ang pinakabatang alkalde sa bansa na may edad 21.

Nagtapos si Celeste ng Business Entrepreneurship sa De La Salle University.

Nakapagtala si Celeste ng 22,498 na boto dahilan para matalo ang dalawang katunggali sa pagka-alkalde sa nagdaang 2019 midterm elections.

Dating nagsilbi si Celeste bilang chairman ng Barangay Magsaysay at presidente ng Liga ng mga Barangay.

Ayon kay Celesta, magiging sentro ng kanyang mga programa ang mga kabataan para makatulong sa kanilang pag-unlad at maging matagupay sa bawat larangan na kanilang tatahakin.

TAGS: 2019 midterm elections, alaminos, alkalde, Arth Bryan Celeste, pangasinan, 2019 midterm elections, alaminos, alkalde, Arth Bryan Celeste, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.