Sunog, sumiklab sa isang milk tea skop sa Glorietta 2 sa Makati

By Angellic Jordan May 19, 2019 - 08:41 PM

Sumiklab ang sunog sa isang ginagawang milk tea shop sa Glorietta 2 sa Makati City, Linggo ng gabi.

Ayon sa Makati Central Fire Station, nagsimula ang apoy bandang 6:05 ng gabi.

Makalipas ang limang minuto, itinaas sa unang alarma ang sunog.

Agad rumesponde ang anim na trak ng bumbero.

Naapula naman ang sunog at idineklarang fire out ng Bureau of Fire Protection bandang 6:31 ng gabi.

Samantala, sa kanilang Twitter account, inanunsiyo ng pamunuan ng Glorietta na pinayagan nang makapasok ang mga empleyado at customer ng mall.

Wala rin anilang napaulat na nasaktan sa insidente.

Tiniyak din ng pamunuan ng nasabing mall ang kaligtasan ng kanilang mga customer.

Hindi pa naman alam kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Glorietta 2, Makati Central Fire Station, makati city, sunog, Glorietta 2, Makati Central Fire Station, makati city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.