Panelo kay Sandra Cam: Mag-resign ka na lang

By Chona Yu May 19, 2019 - 06:27 PM SHARE(S):

Mag-resign ka na lamang.

ito ang naging payo ng Palasyo ng Malakanyang kay Philippine Charity Sweesptakes Office (PCSO) board member Sandra Cam sa gitna ng hirit na sibakin na siya sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi masikumarang korupsyon sa kaniyang tanggapan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na maari namang ituloy ni Cam ang kaniyang mga adbokasiya sa labas ng pamahalaan at bilang isang pribadong indibidwal.

Una rito, pinayuhan ng Palasyo si Cam na maghain ng pormal na reklamo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para maimbestigahan at masampahan ng kaso ang ilang mga tauhan ng PCSO na sangkot umano sa korupsyon.

Pero base sa pagkakalaam ni Panelo, wala pang isinusumiteng reklamo si Cam sa PACC.

Sa reklamo ni Cam, P10 bilyon ang nawawala sa pcso dahil sa ‘Perya ng Bayan’ na proyekto.

TAGS: pacc, pcso, Salvador Panelo, sandra cam, pacc, pcso, Salvador Panelo, sandra cam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.