GSW, wagi vs Portland sa Game 3 ng NBA West finals

By Angellic Jordan May 19, 2019 - 06:26 PM SHARE(S):

Nagwagi ang Golden State Warriors (GSW) kontra sa Portland Trail Blazers sa Game 3 sa iskor na 110-99.

Dahil dito, 3-0 na ang series sa Western Conference finals ng NBA.

Umarangkada sa laro si Draymond Green matapos makapagtala ng 20 points, 13 rebounds at 12 assists.

Ito na ang ikapitong career postseason triple-double ni Green.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, ang nasabing Game 3 ang isa sa pinakamagandang laro ni Green.

Samantala, malaking ambag din ang 36 points ni Stephen Curry para sa Warriors.

Nakatakda naman ang Game 4 ng dalawang koponan sa araw ng Lunes (oras sa Amerika) habang araw naman ng Martes (oras sa Pilipinas).

TAGS: golden state warriors, NBA, Portland Trail Blazers, golden state warriors, NBA, Portland Trail Blazers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.