CHR, handang talakayin ang death penalty sa Kongreso
Handa ang Commission on Human Rights (CHR) na talakayin sa Kongreso ang usapin hinggil sa panunumbalik ng death penalty o parusang kamatayan.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR commissioner Karen Gomez-Dumpit na handa ang CHR na magkaroon ng aniya’y ‘frank and factual conversation’ ukol sa nasabing batas.
Handa aniya ang CHR na patunayang hindi dapat ibalik ang death penalty.
Dagdag pa nito, maaaring mag-alok ang CHR sa Kongreso ng mga epektibong programa para maiwasan ang mga krimen at mapababa ang mga insidente ng krimen.
Halimbawa aniya rito ang dagdag na ipakakalat na pulis at pag-iingat ng komunidad.
Suportado aniya ito ng CHR dahil hindi ito makakaapektdo sa karapatang mabuhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.