Na-encode na election returns ng PPCRV, nasa halos 50 porsyento na

By Angellic Jordan May 19, 2019 - 04:28 PM

Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na na-encode na ang nasa 39,776 na election returns sa buong bansa.

Ayon kay PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra, ito ay katumbas ng 46 porsyento sa lahat ng election returns sa bansa hanggang 12:00, Linggo ng madaling-araw.

Natanggap at na-encode na aniya ang mga election return mula sa Albay, Negros Occidental at Cebu.

Patuloy pa rin aniya ang natatanggap nilang election returns mula sa iba’t ibang probinsya.

Dagdag pa ni Buenaobra, walang pinagkaiba ang na-eencode na election returns sa bilang sa kanilang transparency server.

Target naman aniyang matapos ang manual encoding sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan.

TAGS: 2019 midterm elections, election returns, manual encoding, PPCRV, PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra, 2019 midterm elections, election returns, manual encoding, PPCRV, PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.