Pangulong Duterte, nasa Malakanyang lamang at abala sa pagpirma ng mga papeles – Panelo

Hindi kinukumpirma at hindi rin pinabubulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat na na-confine siya sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakausap niya ngayong araw ng Linggo si Pangulong Duterte at nasa Malakanyang lamang at abala sa pagpirma sa mga papeles.

Ayon kay Panelo, walang katotohanan na isinugod sa ospital ang pangulo.

Huling nagkaroon ng public appearance si Pangulong Duterte nang bumoto noong May 13 sa Davao City.

Read more...