PPCRV, maglalabas ng report ukol sa logs ng transparency server sa Lunes (May 20)
Maglalabas ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng report ukol sa logs ng transparency server sa araw ng Lunes, May 20, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa panayam sa PPCRV command center sa Maynila, sinabi ni Comelec commissioner Rowena Guanzon na ang audit logs ang magpapaliwanag ng naranasang pitong oras na aberya kung saan na-delay ang pagdating ng election results sa transparency server noong mismong araw ng eleksyon.
Ayon kay Guanzon, ang PPCRV ang umalam kung ano ang nangyaring problema sa kanilang transparency server.
Tumanggi naman si Guanzon na italakay ang inisyal na obserbasyon ng PPCRV.
Samantala, kinumpirma ito ni PPCRV spokesperson Agnes Gervacio ngunit tumanggi ring maglabas ng detalye sa report.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.