Walang ransom na ibinayad para mapalaya ang 3 Pinoy sa Libya – Locsin

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy” Locsin Jr. na walang ransom na ibinayad para mapalaya ang tatlong Filipino engineers sa Libya.

Na-kidnap ang tatlong Pinoy kabilang ang isang South Korean na kasamahan mula sa project site ng Great Man-Made River Project sa bahaging Timog ng Libya noong July 2018.

Sa Twitter, sinabi ni Locsin na walang ibinayad ni sentimo.

Sa hiwalay na tweet, nagpasalamat ang kalihim sa mga kaibigan sa ibang bansa na tumulong para mapalaya ang tatlong Pinoy.

Dumating ang tatlong Pinoy sa Maynila, araw ng Sabado, May 18, matapos ang 10 buwang pagkakabihag sa Libya.

Read more...