Ipinasara ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) ang 10 hotel sa El Nido, Palawan.
Ayon kay Michael Drake Matias, director ng DENR Environmental Management Bureau for Mimaropa, lumabag ang mga hotel sa Clean Water Act of 2004.
Nagdadala aniya ng maitim at mabahong tubig ang mga establisimiyento sa Bacuit Bay sa El Nido.
Inilabas ang cease-and-desist order ng DENR laban sa mga sumusunod na hotel:
– El Nido Sea Shell Resorts and Hotel
– Doublegem Beach Resort and Hotel
– Buko Beach Resort
– Panorama Resort (Mangonana Inc.)
– Four Seasons Seaview Hotel
– Stunning Republic Beach Resort
– Sava Beach Bar/Sava Nest Egg Inc.
– El Nido Beach Hotel
– The Nest El Nido Resorts and Spa Inc.
Parehong aksyon din ang ginawa ng Pollution Adjudication Board laban sa Cuna Hotel sa Barangay Maligaya matapos mapag-alaman ang parehong paglabag.
Sinabi ni Matias na lumabas sa kanilang laboratory analysis na lumagpas sa DENR General Effluent Standards para sa Biochemical Ocygen Demand (BOD) ang waterwaste mula sa mga nasabing hotel.
Patuloy naman aniya ang pagtutok ng DENR sa iba pang mga establisimiyento sa El Nido.