Operasyon ng LRT-2, balik-normal na

By Angellic Jordan May 19, 2019 - 03:03 PM

Photo grab from Twitter account of LRTA, @OfficialLRTA

Nagbalik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2, Linggo ng tanghali.

Sa kanilang Twitter account, nag-abiso ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na nagsimula bumalik ang full line service operation bandang 12:13 ng tanghali.

Muling nakapag-operate ang LRT2 matapos ilabas ang safety clearance matapos ang clearing operations at safety checks sa mga tren nito.

Sinabi naman ng LRTA na limang tren lamang ang naka-deploy ngayong araw ng Linggo at posibleng madagdagan sa araw ng Lunes, May 20.

Samantala, nangako ang LRTA na aakuin ang bayarin sa ospital ng mga nasugatang pasahero sa banggaan ng dalawang tren.

TAGS: Balik Operasyon, LRT 2, LRTA, Balik Operasyon, LRT 2, LRTA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.