Palasyo, ipinaubaya kay Duque ang paglalahad ng corruption allegations vs Puno

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang kay Health Secretary Francisco Duque III ang paglalahad sa corruption allegations na kinasasangkutan ni dating Food and Drug Administration (FDA) director general Nela Charade Puno.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na si Duque ang higit na nakaalam sa mga isyu kay Puno.

Una rito, kinukwestyun ni Puno ang pagsibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi man lang muna sumalang sa imbestigasyon ang pagtanggal sa kanya sa serbisyo.

Pansamantalang papalit sa puwesto ni puno si Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo.

Read more...