“Simultaneous save” ng VCM at Comelec server, tumapos sa dayaan” sa WAG KANG PIKON! ni Jake Maderazo

By Jake Maderazo May 19, 2019 - 01:18 PM

Malayong malayo ang pagkakaiba ng May midterm 2019 elections sa 2016 presidential elections kung pag-uusapan ang higit walumpung “pagbabago” sa paraan ng halalan.

Unang-una rito, ang pagpayag na Comelec na buksan ang labing-isang “source codes” ng eleksyon para imbestigahan ng mga ng interest groups,kandidato, mga “political parties”, IT experts at iba pa. Dati kasi, “tatlong source codes” lang ang ipinapakita ng Comelec.

Ikalawa, ang magkasabay na pag-“save” ng resulta sa bawat “vote counting machine” (VCM) sa main Comelec server. Hindi ito nangyari noong 2016 elections, kung saan dadaan pa sa “local” at “regional servers” ang mga datos ng ng VCM bago makarating sa Comelec server.

Tingnan niyo ang halalan noong nakaraang Lunes.  Mismong si PPCRV chairwoman Myla Villanueva ay nagsabing 99.98% match ang election returns na tinanggap nila kumpara sa “data” ng transparency server. Dagdag pa ng PPCRV chair, “Bago po siya mag-transmit, meron na tayong source ng information kung ilang boto ang bawat kandidato, at ‘yon po ay mina-match natin doon sa natanggap electronically ng transparency server,” “Ang ibig sabihin po no’n, chine-check natin kung magkapareho siya, so “WALANG DAGDAG BAWAS”.

Ang malaking pagbabago ng magkasabay na ang “pag-save” ng resulta ng VCM at Comelec server na tingin ko’y pumatay nang tuluyan sa mga sindikato ng dagdag bawas  na naghahari noon sa mga municipal, city at provincial canvassers.

Ang parehong resibo ng VCM at Comelec server din ang dahilan kung bakit tanggap ng mga natalong pulitiko ang pagkatalo kahit hanggang isang boto lang.  Sila’y merong kopya ng resulta  sa bawat VCM sa  clustered precinct kaya alam nila.

Merong ilan diyan na nagsasabing nagkakamali daw ang VCM sa pagbilang ng boto, pero iyong isinagawang “random manual audit” ng Comelec at ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa 715 clustered precincts ay magpapatunay kung tama o mali ang mga ito.

Marami din ang nagtatanong bakit pitong oras na hindi gumalaw ang PPCRV media count mula 6pm hanggang 1 am  sa 0.38 percent ng mga boto. Nang bumalik ang transmission, ang tumalon ang bilangan sa 90.57 percent.

Ayon sa Comelec, may “technical glitch” sa “file transfer protocol app” na ginagamit nila upang ilipat ang “data” mula “host computer” papunta sa PPCRV computer. At ang diperensya ay wala sa Comelec kundi doon sa PPCRV headquarters sa UN ave., Maynila.

At sa loob ng pitong oras na walang pagbabago sa PPCRV media count, tuluy-tuloy naman ang transmission ng mga boto sa “main Comelec server. Pero, kinabukasan alas 5:20 ng umaga, 92.89 percent na ang PPCRV media count, pero biglang bumalik ito sa 49.76 percent dakong 6:21 ng umaga. Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, ito’y “java error” lamang na ang solusyon ay “i-reset” lamang ang buong Sistema parang cellphone.

Sa totoo lang,wala dapat problema kahit pitong oras nawalan ng update sa PPCRV media count.  Ito’y kung napaghandaan ng COMELEC ang scenario na babagsak ang PPCRV media count. Kung ginawa nilang “broadcast ready” ang main Comelec server, naging tuluy-tuloy sana ang bilangan sa loob ng pitong oras dahil hindi naman pumalya ang pagtanggap ng boto mula sa VCM. Siguro sa 2022, alam na nila ang kanilang gagawin para sa mas lalo pang malinis na halalan!

(Panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM Lunes-Biyernes at mag-email sa [email protected])

TAGS: 2019 midterm elections, comelec, Comelec server, VCM, 2019 midterm elections, comelec, Comelec server, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.