Kris Aquino pinalabas ng sinehan matapos ipasok si Bimby sa R-13 film

By Len Montaño May 19, 2019 - 01:59 AM

Kris Aquino IG

Pinalabas ng sinehan ang grupo ni Kris Aquino matapos nitong ipasok ang anak na si Bimby sa horror movie ni megastar Sharon Cuneta na R-13 ang MTRCB rating.

Sa kanyang Instagram ay sinabi ni Kris na apologetic naman ang staff ng sinehan na nagpalabas sa kanila.

Naiintindihan umano ng actress-host na ginagawa lamang ng cinema staff ang kanilang trabaho.

Pero ang naturang karanasan anya ay nagbigay-daan sa isang isyu na dapat pag-usapan ang tungkol sa posibilidad na mabago ang paraan ng pagbibigay ng rating sa mga pelikula.

Kris Aquino IG

Ayon kay Kris, sa mga streaming sites ay nakakapanood ang mga bata ng mga palabas na may mature na tema at dapat anyang ikunsidera ito ng regulatory bodies.

Sa susunod na mga buwan anya ay posibleng mapanood din ni Bimby ang pelikula ni Sharon na Kuwaresma pero excited lang anya silang suportahana ang horror movie ng megastar kaya ipinasok niya ang anak sa loob ng sinehan.

Aminado naman si Kris na mali ang kanyang ginawa.

Walang detalye si Kris sa sinasabi nitong pagbabago pero ilang followers nito ang pumabor sa kanya na panahon na para pag-usapan ang isyu.

TAGS: Bimby, Kris Aquino, Kuwaresma, megastar, MTRCB, pinalabas, R-13, Sharon Cuneta, sinehan, Bimby, Kris Aquino, Kuwaresma, megastar, MTRCB, pinalabas, R-13, Sharon Cuneta, sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.