(UPDATE) Umakyat sa 29 ang bilang ng pasahero na dinala sa ospital matapos masaktan sa aksidente sa dalawang tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa pagitan ng Cubao at Anonas stations Sabado ng Gabi.
Kinumpirma ni Light Rail Transport Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera na may nangyaring aksidente sangkot ang dalawang tren ng LRT-2.
Sa inisyal na impormasyon nabatid na bumangga ang isang tren sa isang nakahintong tren.
Ayon sa ilang saksi, isang tren na puno na pasahero at Santolan-bound ang bumangga sa isa pang tren na naka-himpil sa parehong riles.
Nahulog pa sa kalsada ang ilang debris mula sa tren.
Kwento ng pasaherong si Ahya Lopez, nagtalsikan ang ilang pasahero sa gitnang bahagi ng sinasakyan nilang tren at may mga tumama anya sa bakal.
Pansamantala anyang nawalan ng kuryente at nasa 30 minuto bago ang pagdating ng isa pang bagon.
Makikita sa post ni Lopez ang mga litrato na nagpapakita ng nasirang tren.
Sa Facebook video ng netizen na may user name Aerdna Dela Cruz Aneced ay mapapanood ang ilang pasahero na nakaupo sa sahig ng tren at may ilan na tila nahilo dahil sa insidente.
Sa post naman ni Ron Go makikita ang bahagi ng tren na nasira at mga kuha ng mga pasahero na nagulantang sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.