Mga empleyado ng isang mall nanguna sa Manila Bay clean-up drive

By Noel Talacay May 18, 2019 - 03:30 PM

SM photo

Nagsagawa ng clean-up drive sa Manila Bay sa bahagi ng  Pasay City ang grupo nga mga empleyado ng isang malaking mall, mga grupo ng volunteers, at lokal na pamahalaan.

Umabot ng 200 kilo ang nakuhang basura sa Manila Bay. Umabot ng isang kilometro ang bahagi na nalinis ng grupo.

Nasa 400 na tao ang nakilahok sa nasabing clean up drive, kasama dito ang mga security guard ng mall at galing sa local government units, at ang mga kalahok ng Miss Earth 2019

Ang ilang mga basura na nakuha ay mga kahoy, styro foam, lagayan ng pagkain at inumin.

Ang nasabing aktibidad, ay ginagawang apt na beses sa loob ng isang taon.

Sa nasabing lugar rin unang naglinis ang grupo noong nakalipas na taon kung saan ay nakakuha sila ng santambak na mga basura.

Panagawagan naman ng grupo sa publiko na wag nga magtapon ng nasura sa Manila Bay,

Ang paglilinis sa Manila Bay ay unang pinasimulan ng Deprtment of Environment and Natural Resources at Department of Public Works and Highways (DPWH).

TAGS: coastal clean up drive, DENR, DPWH, Manila Bay, Pasay City, SM, coastal clean up drive, DENR, DPWH, Manila Bay, Pasay City, SM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.