Presyo ng gasolina at diesel muling tataas sa susunod na linggo
Magpapatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis sa susunod linggo.
Ito ay makaraan silang magpatupad ng rollback ng dalawang sunod na linggo sa ilang petroleum products.
Sinabi ng ilang insider sa oil industry na ang panibagong dagdag singil ay sanhi pa rin ng malikot na presyo ng krudo ng world market.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro.
Aabot nanam sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin kada litro ang sa presyo ng kerosene o gaas.
Sa Martes ng umaaga inaasahang ipatutupad ng mga oil companies ang panibagong oil price hike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.