Pasahero nahulihan ng granada sa loob ng NAIA

By Den Macaranas May 18, 2019 - 02:20 PM

File photo

Inaresto ng security personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pasahero makaraang makita sa loob ng kanyang bag ang isang granada.

Kinilala ang inarestong suspek na si Deogracias Polmano na sinampahan na ng kaukulang kaso ng mga otoridad.

Sa paunang ulat ng NAIA Police Officer, Pasado alas-singko ng hapon ng Biyernes nang pumasok si Polmano sa NAIA Terminal 2.

Sa initial security screening pa lamang ay nakita na ng mga airport personnel ang isang MK2 fragmentation grenade sa loob ng kanyang backpack.

Kaagad na isinalang sa imbestigasyon ang suspek makaraan siyang mabigo na makapag-pakita ng mga dokumento para sa dala niyang granada.

Si Polmano ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9156 o Illegal Possession of Explosives, at kasalukuyang nakakulong sa headquarters ng NAIA Police Security Group.

TAGS: granade, NAIA, plmano, Security, granade, NAIA, plmano, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.