Aminado si Finance Sec. Carlos Dominguez III na nahaharap sa panibagong problema ang full implementation ng Universal Health Care (UHC) law.
Ang problema sa paglaki ng kailangang pondo dahil sa funding gap ay kailangan ang dagdag na P63 Billion na pondo sa nasabing batas ayon kay Dominguez.
Ipinaliwanag ng kalihim na importante ang sin tax reform para dahil kung hindi ay kakapusin ng pondo na aabot sa P63 Billion ang UHC sa taong 2020.
Ang pondo sa UHC ay aabot sa P258 Billion kung saan ang perang gagamitin dito ay magmumula sa national budget.
Base sa general appropriation act para sa taong kasalukuyan, umaabot lamang sa P195 Billion ang nakalaan sa UHC.
Ang dagdag na pondo ay huhugutin mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Dahil sa inaasahang funding shortfall, ang DOF kasama ang Department of Health ay gumagawa na ng pag-aaral para sa bagong rates na ipapasok sa mga produktong alak at sigarilyo.