PNP: Pagbabalik sa bitay dapat pag-aralan pa ng husto
Sinabi ng Philippine National Police na hindi pa handa ang bansa sa muling pagpapatupad ng death penalty.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, pinag-usapan na ng pamunuan ng pambansang pulisya ang nasabing bagay pero mas kailangan pa umanong pag-aralan ang pagbabalik ng parusang bitay.
Sinabi ni Banac na dapat tiyaking hindi ito pagmumulan ng anumang uri ng pang-aabuso.
Muli ring nanindigan ang PNP na inirerespeto nila ang human rights.
Gayunman, nanindigan ang PNP na suportado nila ang pagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga big time drug traffickers.
Nauna nang sinabi ni Senate President Tito Sotto na mas madali na ngayong uusad ang panukalang balik-bitay sa Senado makaraang umarangkada ng husto ang mga kaalyadong kandidato ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.