Ayon sa Pagasa, matinding init pa rin ang iiral sa umaga hanggang hapon pero posible ang thunderstorms sa hapon.
Ito ay bunsod ng hangin na nanggagaling sa southwest ng bansa.
Maaaring umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong Sabado pero asahan ang pag-uulan sa Metro Manila na pwedeng umiral hanggang gabi.
Posible ring ulanin ang Luzon partikular ang Palawan at Mindoro.
Sa hapon naman asahan ang pag-uulan sa Visayas partikular sa kanlurang bahagi ng rehiyon.
Samantala, umaga pa lang ngayong araw ay pwede nang ulanin ang Zamboanga Peninsula at Sulu sa Mindanao habang ang natitirang bahagi ng rehiyon ay makakaranas ng thunderstorms na magdadala ng flashflood.